Monday, January 19, 2009

Ano nga ba ang Au-Pair?

Marami sa mga kababaihan sa ngayun ang gustong makapagtrabaho sa ibang bansa. Isa sa magandang trabaho para sa mga kababaihan ang pagiging Au-Pair.

Ano nga ba ang Au pair?

Ito ay isang uri ng kasunduan sapagitan ng employer at ng employee. Hindi ito matatawag na full time job sapagkat ito ay may maximum na 5 oras lamang na trabaho sa isang araw. Hindi DH or Domestic Helper ang isang Aupair, sila ay itinutiring na miyembro ng pamilya (adopted).



Ano ang trabaho ng Au pair?

Kadalasan ang trabaho ng Aupair ay halos katulad din ng mga DH or domestic helper. Kasa-kasama din ang Aupair sa mga gawaing bahay tulad ng paglilinis, paglalaba, pag-aalaga ng bata, pamamalengke, pagluluto at pamamalantsa, subalit ang mga gawaing ito ay hindi maaaring gawin ng sabay-sabay. Kailangan may tamang schedule sa isang linggo upang magawa ang mga ito nang hindi lumagpas sa 5 oras ang trabaho kada isang araw.

Ano ang kaibahan ng Au pair sa DH?

Bukod sa kaibahan sa oras ng trabaho, ang mga Au pair ay kinakailangang ding pag-aralin ng kanilang mga employer sa isang language learning school ito ay upang lubos na magkaintindihan, kadalasan kasi hindi English ang salita na ginagamit ng mga bansang nakuha ng Au pair, ang mga bansang ito ay nasa parteng Europa.

Ang mga Au-pair din ay binibigyan ng laya na lumabas ng bahay pagkatapos ng 5 oras na trabaho. Sila ay may roon ding isa o dalawang day off sa isang linggo. May saraling kuwarto, malambot na kama at maayos na palikuran.

Mahirap ba ang maging Au pair?

Para sa isang gustong kumita ng pera para sa sarili at pamilya ang sagot ay HINDI. Ang mga gawain ng Au pair ay sya din namang gawain ng isang ordinaryong anak na babae sa loob ng kanilang tahanan. Kung iisipin nga masmahirap ang gawain ng mga DH dahil sila ay lagpas 5 oras kung magtrabaho sa isang araw.

Subalit tulad ng ibang nag-aabroad ang tanging kalaban ng isang Au pair ay ang tinatawag na HOME SICK. Kung magiging buo lamang ang loob ng taong mangingibang bayan at laging iisipin ang dahilan kung bakit nya kinailangan lumayo sa pamilya ang mga bagay na mahirap ay magiging madali lang.

Pano mag-apply bilang Au pair?

May mga site na puwedeng puntahan sa internet upang makakuha ng employer (direct hiring) Halimbawa (http://www.aupair.com). May mga naka post duon na pamilya, sila ay ang mga naghahanap ng magiging au pair. Gumawa ka ng introduction letter tungkol sayong sarili at e-send mo sa email nila. Puwede din na mag-post ka muna ng information tungkol sayo nang sa gayon ay makita ng employer ang profile mo at sila naman ang mag-e-mail sayo. Kailangan mong maging matiyaga at mapili din kahit papano upang makakuha ka ng maayos na employer.


Mga dapat tandaan upang hindi maloko

Kailangan mo ding maging matiyaga at alerto dahil madaming mga nanamantala sa internet. Isa sa mga tanda ng mga nanamantala ay ang paghingi sayo ng pera. Ito ay hindi gawain ng tunay na employer. Maaring pagkatapos mong ibigay ang pera ay hindi kana nya ulit balikan at kausapin. Kaya BIG NO NO... sa mga e-mail mong marereceived na nanghihingi ng cash... hindi sila tunay na naghahanap ng Au Pair.

Kailangan mo ding alamin ang back ground nang employer mo upang hindi ka mabulaga pagdating mo sa kanilang bansa.

Siguruhing nagkakaintindihan kayo sa mga task na gagawin mo at pasahod sayo. Madami ding mga Au Pair ang hindi nakakatanggap ng benepisyo ayon sa nararapat kaugnay sa kontratang napagkasunduan.



Nawa ay may natutunan kayo sa inyong nabasa at maging gabay ito sa mga nagnanais na maging Au pair. Isang magandang araw sa inyong lahat...

Pagbati mula kay sallydotgirl

No comments:

Post a Comment